トップ > 組織案内 > 知事政策局 > 国際戦略グループ > Impormasyon Tungkol sa Coronavirus (COVID-19) Infection

ページID:102419更新日:2021年12月21日

ここから本文です。

Impormasyon Tungkol sa Coronavirus (COVID-19) Infection

Impormasyon Tungkol sa Coronavirus (COVID-19) Infection

Ipagpatuloy ang mga hakbang sa pag-iwas saimpeksyon!

Serbisyo para sa pagkonsulta sa telepono hinggil sa COVID-19

 

 Mahalagana ang bawat isa ay gumagawa ng mga hakbang laban sa nakahahawang sakit gaya ngtamang-asal sa pag-ubo at paghuhugas ng kamay na ginagawa rin sa paglaban sasipon at trangkaso dulot ng pagbabago ng panahon.

Upang mapangalagaan ang buhay atkalusugan ng mga residente ng prefecture mula sa impeksiyon dala ng COVID-19,naniniwala ang gobyerno nito na mahalagang maipalaganap ang tamang kaalaman atimpormasyon upang maiwasan ang kalituhan at pagkabalisa. Kapag may isangpasyente na natukoy, agad itong bibigyan ng kaukulang impormasyon upangmaiwasan ang pagkalat ng impeksyon ayon sa pinakahuling kaalamang medikal.

  (Sanggunian) Tungkol sa coronaviruses

Ang coronaviruses ay mga virus na siyang dahilan ngpagkalat ng impeksiyon sa tao at hayop. Mayroong anim na kilalang uri ng virusna sanhi ng nakahahawang sakit sa tao. Maliban sa SARS-CoV (Severe AcuteRespiratory Syndrome Coronavirus) at MERS-CoV (Middle East Respiratory SyndromeCoronavirus) na maaaring magdulot ng malubhang sakit sa paghinga, ang impeksyonay limitado lamang sa pangkaraniwang sipon at hindi malalang sintomas.

 

Ipagpatuloy ang mga hakbang sa pag-iwas saimpeksyon!

Ang laban sa COVID-19 ay inaasahang magtatagal pa,at kahit na ang bilang ng mga bagong impeksiyon ay bumababa, may posibilidad namuli itong kumalat kapag nagpabaya sa pagbabantay. Patuloyna maging mapagmatyag upang mapigilan ang pagkalat ng impeksyon.

Mga Puntong Dapat Tandaan Upang Maiwasan Ang Pagkalat Ng Impeksyon

 

Ugaliin ang "Tatlong Batayan"

  1. Panatilihinang 2 metrong pagitan (o hindi bababa sa 1 metro) sa iyong kausap upangmabawasan ang pagsalin ng impeksiyon.
  2. Magsuot ng mask kapag lalabas, o kaya ay manatilina lamang sa loob ng bahay at makipag-usap sa iba upang hindi na kumalat angimpeksyon sa droplet.
  3. Hugasan nang mabuti ang kamay (30 segundo) upangmaiwasan ang pagkalat ng impeksyon sa kontak.

人との間隔飛沫感染防止手洗い

Mangyaring makipagtulungan upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon

 

Magingmulat sa pag-iwas sa impeksiyon sa iyong pang-araw-araw na buhay

  • Umiwassa mga lugar na sarado, masikip, o magkakadikit.
  • Palaginggawing maaliwalas ang lugar.
  • Ugaliinang tamang-asal sa pag-ubo.
  • Habangnakikipag-usap ay iwasang tumayo nang direkta sa kaharap hangga’t maaari.
  • Kuninang temperatura at tingnan ang kondisyon ng kalusugan tuwing umaga; kung maysintomas gaya ng lagnat o sipon, manatili sa bahay at magpahinga.
  • Iwasanang paglalakbay sa ibang prefecture.

 Serbisyo para sa pagkonsulta sa telepono hinggil sa COVID-19

COVID-19 Diagnosis at Consultation Center (24 na oras na suporta)

COVID-19 Diagnosis at Consultation Center (24 na oras na suporta)

Numero ngtelepono: 092-687-7953

 

Center for Consultation of Returnees and Contacted Persons

Ang Center for Consultation ofReturnees and Contacted Persons ay itinatag upang mabawasan ang pagkabahala ngmga taong hindi alam kung aling institusyong medikal ang pupuntahan kapagnaghinala na sila ay nahawahan, at upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyonmula sa mga ospital.

Kapagnakumpirma na may pangangailangang medikal ang isang tao na pinaghihinalaangmay impeksyon mula sa COVID-19, isasangguni siya ng Center sa isang espesyal nalugar para sa konsultasyon. Maaaring magtanong sa alinmang consultation counterng public health center sa inyong lugar.

 [Listahan ng mga counter para saReturnees at Contacted Persons]

Pangalan

Telepono

Mgasakop na lugar

Chuhoku Health Center(Regional Health Division)

0551-23-3074

Kai-shi、Chuo-shi、Shouwa-cho、Nirasaki-shi、Minami Alps-shi、Hokuto-shi

Kyotoh Health Center(Regional Health Division)

0553-20-2752

Yamanashi-shi、Fuefuki-shi、Koshu-shi

Kyonan Health Center(Regional Health Division)

0556-22-8158

Ichikawa-Misato、Hayakawa-cho、Minobusan-cho、Nanbu-cho、Fujikawa-cho

Yamanashiken Fujitobu Health Center(Regional Health Division)

0555-24-9035

Fujiyoshida-shi、Tsuru-shi、Otsuki-shi、Uenohara-shi、Doshi-mura、Nishikatsura-cho、Oshino-mura,

Yamanakako-mura、Narusawa-mura、Fujikawaguchiko-cho、Kosuge-mura、Tabayama-mura

Kofu-shi  Health Center(Medical  Infectious Diseases Division)

055-237-8952

Kofu-shi

 Pagsapit ng gabi o kaya ay tuwing pista opisyal,ang mga numerong pang-emergency ay ibibigay sa pamamagitan ng mga naka-recordna mensahe.

このページに関するお問い合わせ先

山梨県知事政策局国際戦略グループ 
住所:〒400-8501 甲府市丸の内1-6-1
電話番号:055(223)1435   ファクス番号:055(223)1516

より良いウェブサイトにするためにみなさまのご意見をお聞かせください

このページの情報は役に立ちましたか?

このページの情報は見つけやすかったですか?

このページを見た人はこんなページも見ています

県の取り組み

pagetop